-- Advertisements --

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa isinagawa nitong human trafficking operation sa Clark International Airport sa Pampanga na lilipad sana patungong Bangkok, Thailand.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang dalawang pasahero ay nagkunwari umanong mga turista .

Hindi umano nagtutugma -tugma ang mga impormasyon na ibinabahagi ng dalawa sa mga Immigration Officer kayat kaagad itong isinanguni sa isa pang inspeksyon.

Ayon kay Tansingco, natuklasan ng karagdagang imbestigasyon na mayroon silang valid tourist visa para sa Dubai at pinangakuan ng trabaho sa UAE nang walang wastong dokumentasyon sa ilalim ng Department of Migrant Workers.

Sa interogasyon ng mga opisyal ng imigrasyon, sinabi ni Tansingco na isa sa mga pasahero ang umamin sa kanyang tunay na layunin na magtrabaho bilang cashier sa Dubai na may ipinangakong suweldo na P22,000, at ang kanyang mga gastos sa paglalakbay ay ibabawas sa kanyang buwanang kita.

Samantala, ang isa pang pasahero ay nagsabi na siya ay na-recruit para magtrabaho bilang isang babysitter.

Sinabi ng BI chief na ang dalawang biktima ay itinurn-over ng mga immigration officer sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon.

Kasabay nito, muling binago ni Tansingco ang kanyang apela sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa na gawin ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga legal na channel upang maiwasang maging biktima ng mga human trafficker.