-- Advertisements --

Nahuli ng pulisya ang dalawang wanted person sa San Carlos City, Negros Occidental.

Inaresto sa Barangay 3 ang isang 19-anyos na lalaki, na tinaguriang ika-siyam na most wanted person sa lalawigan at ikatlong MWP sa antas ng lungsod dahil sa panggagahasa.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Amy Alabado Avellano ng Regional Trial Court (RTC) Branch 58 sa San Carlos City noong Pebrero 2, 2024.

Walang inirekomendang piyansa para sa suspek.

Nasakote rin sa Barangay 3 ang isang 31-anyos na lalaki, ang ikawalong MWP sa antas ng probinsiya.

Ang kanyang warrant of arrest ay inilabas ni acting Presiding Judge Reginald Mercurio Fuentebella ng RTC Branch 59 sa San Carlos City. Wala ring inirekomendang piyansa para sa suspek.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Sidney Villaflor, direktor ng Police Regional Office (PRO)-Western Visayas, na kanilang sinisiguro sa publiko na patuloy silang magsisikap na mahuli ang lahat ng mga wanted person, na nagbibigay ng hustisya sa mga naging biktima ng kriminalidad.