image 678

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa Online Child Exploitation.

Nanguna mismo sa naturang operasyon ang NBI Anti-Violence Against Women and Children .

Nakatanggap umano ang kanilang ahensya ng impormasyon ng umano’y indibiwal sa Pilipinas na nagpapadala ng mga sexually exploitative images at videos ng mga menor de edad sa Estados Unidos

Dahil dito ay kaagad nagsagawa ng operasyon ang NBI sa bisa ng Search Warrant.

Ito ay nagresulta sa pagkakaaresto kay LYNETTE CRUZ y SOLMIA at PAULO DELA CRUZ y ROQUERO .

Narescue rin ang anim na minor victims at nakumpiska ang ilang mga kagamitan sa naturang eksploytasyon.