Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Anti Human Trafficking Division ang dalawang indibidwal mula Lala, Lanao Del Norte dahil sa umano’y paglabag sa R.A. 9208 na inamyendahan ng R.A. 11862 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 na kaugnay sa R.A. 10175 o mas kilala bilang (Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sinampahan rin ito ng paglabag sa R.A. 11930 o Anti-Sexual Abuse o Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials at at paglabag sa R.A. 7610 o ang Anti Child Abuse Law.
Nag-ugat ang kaso mula sa impormasyong ibinigay ng National Crime Agency sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center hinggil sa isang user ng communication app.
Ito umano ay sekswal na nananamantala sa kanyang dalawang menor de edad na anak, sa pamamagitan ng mga online show kapalit ng bayad.
Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang National Bureau of Investigation – Anti Human Trafficking Division sa tulong ng NBI-Digital Forensic Laboratory .
Bago nito ay nagsawa na ang mag otoridad ng series of surveillance operations na humantong sa pagkakakumpirma sa masamang gawain ng mag-asawa.
Ang operasyon ay nagresulta sa pag-aresto sa ina ng nailigtas na mga menor de edad na biktima at ang kanyang common law partner.