-- Advertisements --
nbi

Inaresto ng National Bureau of Investigation ang dalawang indibidwal dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa Human Trafficking.

Kinilala ang dalawang suspect na sina SONG GIN alyas SENGMIN KIM na isang Chinese national at LAKSHMI NAYYAR na isang Pilipino.

Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang dalawa matapos ang isinagawang entrapment operation ng NBI Pampanga.

Nag-ugat ang operasyon dahil sa sunod sunod na mga report na natatanggap ng NBI tungkol sa isang 247 Premium KTV Bar na matatagpuan sa Filipino -American Friendship Avenue, Angeles City Pampanga na nag aalok umano ng mga sex service sa kanilang mga customer.

Ang naturang KTB Bar ay isa umanong prostitution hub na kung saan maaaring ilabas ang kanilang mga customer care assistant sa para makatalik sa halagang P6,000 hanggang P8,000 depende sa klase.

Humarap na ang dalawang suspect sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutors sa Angeles City.

Mahaharap naman ang mga ito sa kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A. 9280 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na inamyendahan ng RA 10364 na kilala rin bilang Expanded Trafficking in Persons Act of 2012.