-- Advertisements --
BI bureau of immigration

Matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang biktima ng illegal recruitment sa Ninoy Aquino International Airport.

Na hired umano ang dalawa upang magtrabaho sa Cambodia.

Duda ng Immigration , posibleng magtatrabaho ang mga ito sa mga sindikato na nasa likod ng crypto scam na nagooperate sa nasabing bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang dalawang biktima ay sasakay sana sa isang flight patungong Bangkok Thailand.

Kung hindi aniya naharang ng kanilang mga personel ang dalawa ay marahil ay nasa Cambodia na ito kung saan maaari silang makaranas ng pagmamaltrato at kalupitan .

Ang tinutukoy ng opisyal ay mga mga pinoy na kanilang na rescue sa Cambodia mula sa kamay ng mga crypto scammers syndicates .

Ayon sa Bureau of Immigration Protection and Border Enforcement Section, nagtangka umano ang dalawa na umalis ng bansa gamit ang tourist visa at sila ay pupunta lamang sa Bangkok , Thailand para magbakasyon.

Matapos naman ang maraming pagtatanong ng mga Immigration Personnel ay umanin ang dalawa hinggil sa kanilang totoong pakay.

Sila umano ay pinangakuan ng kanilang mga employer ng P40,000 na buwang sahod kapalit ng kanilang serbisyo bilang encoder sa nasabing bansa.