Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang indibidwal na umano’y miyembro ng sindikato na nahaharap sa kasong Qualified Trafficking at Large Scale Illegal Recruitment.
Kinilala ng mga otoridad ang mga suspect na sina Katherine May Paderes y Ayson and Cathyrine Buquid y Mata.
Ang mga ito ay naaresto sa NAIA Terminal 1, Pasay City.
Ang dalawang subject ay naharang ng Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Council Against Trafficking (NAIA-IACAT) kasama ang anim na iba pa patungong Hong Kong na pinaniniwalaang posibleng biktima ng Illegal Recruitment.
Ang walong pasahero ay itinurn-over sa NBI-IAID para sa karagdagang imbestigasyon.
Lumabas sa imbestigasyon ng NBI-IAID na ang walong pasahero ay nagpapanggap na mga turista sa Hong Kong at mga ka-simbahan.
Ibinunyag ng anim na biktima na si Subject Paderes, Subject Buquid, at iba pang indibidwal ang nag-recruit sa kanila sa pamamagitan ng ahensyang Worldstar International Manpower Services Corporation upang magtrabaho sa Malta.
Bilang kapalit, binayaran ng mga biktima ang mga subject para sa proseso ng recruitment.
Ang pag-verify na ginawa sa Department of Migrant Workers (DMW) – Licensing and Regulation Bureau ay nagsiwalat na ang mga subject ay hindi awtorisado o lisensyado ng DMW na mag-recruit ng mga manggagawa para sa pag-deploy sa ibang bansa.
Kaya, ang dalawang mga subject ay inilagay sa ilalim ng pag-aresto at iniharap para sa inquest proceeding para sa mga nabanggit na paglabag.