-- Advertisements --

Dalawang matandang indibidwal ang natagpuan sa ilog ng Abra at Pangasinan.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na sina Raymund Sales(lalaki) , 72 anyos at Paz De Guzman , 85 anyos(babae).

Ang katawan ni Sales ay natagpuan ng mga lokal na residente sa isang fish fence sa gitna ng ilog.

Huling namataan ang biktima noong September 2 ayon sa pulisya.

Naniniwala naman ang kanyang pamilya na aksidenteng nahulog ito sa ilog at at nalunod.

Si De Guzman naman ay huling naiulat na nawawala noong September 1, 2024 at matapos ang oras na paghahanap ay nakita ito sa ilog.

Madalas aniya itong maglakad-lakad at di inaasahang mapupunta ito sa ilog ayon sa kanyang pamilya.

Pinaniniwalaang nahulog ito at nalunod ang biktima.