Dalawang katawan ng lalaki ang natagpuan sa undercarriage ng Avianca plane matapos magsagawa ng maintenance sa Bogota, Columbia.
Matigas na umano ang dalawang labi at ang isa ay mayroong sunog sa parte ng katawan.
Wala pang pagkakakilanlan ang nasabing mga labi ngunit ang isa ay nakitaan an pera mula sa Dominican Republic at suitcase na may lamang papeles sa trabaho sa parehong bansa.
Huling lumipad mula sa Dominican Republic ang nasabing eroplano noong Enero 3, 2023 kaya naman pinaniniwalaang ang mga labi ang nagtagal na doon ng halos 4 na araw.
Nadiskobre ng airplane personnel ang dalawang labi matapos nitong makarating galing sa Santiago, Chile.
“At its arrival to the El Dorado airport in Bogota, personnel from the airline discovered the bodies of two people who flew irregularly [stowaways] in the undercarriage of the plane,” ayon sa pahayag ng Avianca noong Sabado.
Nagpaabot naman ang Avianca ng simpatya sa pamilya, anila kahit na iniinspeksyon ang eroplano bago lumipad ay hindi naman raw nila hawak ang seguridad ng bawat airport at yun ay responsibilidad na ng awtoridad.