Aabot sa dalawang kilo ng pinag hihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million ang nasabat ng mga kasapi ng Cebu Provincial Drug Enforcement Unit lang sa Brgy.Tayud, Bayan ng Consolacion Cebu.
Nahuli naman ang High Value Individual (HVI) Regional Level na drug suspect na si Dondonico Duaban 26 na taong gulang, isang construction worker at nakatira sa nasabing bayan.
Sa panayam sa Bombo Radyo Cebu kay Police Regional Office (PRO-7) Regional Director PBGen. Roderick Augustos Alba sinabi nito na resulta ang nasabing matagumpay na operasyon sa halos dalawang buwan na surveillance sa drug activity ng suspect kung saan ang source nito ay ang kanyang kapatid nasi Mark Duaban na naka kulong sa Cebu City Jail.
Dagdag pa ni PRO7 Director Alba na makikipag ugnayan siya sa mga opisyal ng BJMP7 para mabigyan ng pansin ang problema na malaya paring nakakagawa ng illegal drugs transactions ang mga drug suspects kahit nasa loob na ito ng kulungan.
Pinili namang hindi nalang magbigay ng komento ang suspect na si Duaban ng tinanong kung sino-sino ang mga kasabwat niya sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamit.