Umabot na sa dalawang local government unit ang tuluyang naideklara sa ilalim ng state of calamity, kasunod ng pagsabog ng bulkang Kanlaon noong Lunes.
Naunang nagdeklara ang City Government ng Canlaon noong araw ng Martes o isang araw bago ang pagsabog at sinundan ng bayan ng La Castellana.
Ang siyudad ng Canlaon ay nasa Negros Oriental habang ang bayan ng La Castellana ay nasa probinsya ng Negros Occidental.
Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang dalawang bayan na kapwa isinailalim sa state of calamity ay kapwa nagtala ng mabigat na epekto.
Kabilang na dito ang mga sakahan na binagsakan ng tone-toneladang abo, inilikas na mga hayop at residente, at mga negosyong kinailangang magsara.
Batay pa rins a report ng NDRRMC, naapektuhan na ang kabuhayan ng 582 na pamilya o katumbas ng 2,017 na indibidwal mula sa anim na munisipalidad at siyudad, kapwa sa Western Visayas at Central Visayas.