-- Advertisements --

Dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog ang tumama sa mga residential areas sa Tondo, Maynila at Brgy. San Dionisio, Parañaque ngayong araw.

Ayon sa BFP, nangyari ang sunog sa residential area sa Barangay 135, Balut, Tondo, Maynila pasado alas 8 ng umaga at umabot ito sa unang alarma pasado alas 8:24am.

Idineklara itong fire under control pasado 9:04 ng umaga at tuluyan itong naapula alas 9:12 ng umaga.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa nasabing insidente.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon hinggil sa sanhi ng sunog gayundin ang pinsalang natamo nito.

Sa Paranaque naman, nagsimula ang sunog dakong ala-1 ng hapon at umabot sa unang alarma sa 1:20 p.m.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog dakong 1:39 ng hapon at idineklarang under control bandang 2:34 p.m

Wala ring naitalang casualties sa naganap na sunog.