-- Advertisements --

HAVANA, Cuba – Niyanig ng mapanganib na 6.8 magnitude na lindol ang eastern Cuba nitong linggo, ilang araw lamang matapos hagupitin ng hurricane Rafael na nagdulot sa kanila ng nationwide blackouts.

Ayon sa United States Geological Survey, ang epicenter ng naturang pagyanig ay naitala sa may bahagi ng 25 miles south sa munisipalidad ng Bartolomé Masó, Cuba.

Bukod pa rito, ginulantang na sila ng 5.9 magnitude na lindol, isang oras bago maranasan ang ikalawang malakas na paggalaw ng lupa.

Bagama’t dalawang magkasunod na lindol ang gumulat sa bansa, hindi ito nag-udyok upang magkaroon ng pangamba sa posibleng mabuong tsunami.

Gayunpaman, wala namang naitala ang mga awtoridad na bilang kung mayroong nasawi dahil sa pangyayari.