-- Advertisements --

Dalawang missiles ang tumama umano sa Kyiv.

Ngunit, hindi pa malinaw kung ano ang mga target.

Ayon sa Kyiv’s city government, isa sa mga missile ang tumama sa isang residential building habang ang isa naman missile ay lumapag sa lugar na malapit sa paliparan ng Zhuliany ng kabisera.

Samantala, lumabas din ang balita mula sa Military Law Enforcement Service ng Ukraine na kanilang nasira ang mga tangke ng Russia sa western Kyiv.

Nasa dalawang sasakyan, dalawang trucks na may mga ammunition ang kanilang nasira sa tulong na rin ng NLAW anti-tank missiles.

Napag-alaman na ang United Kingdom ang siyang nagsuplay ng NLAW anti-tank missiles sa Ukraine ilang linggo bago nilusob ng Russia ang bansa.