-- Advertisements --

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group ang mag-asawang miyembro umano ng Concepcion Criminal Group.

Arestado ang lalaking suspek sa bayan ng Paracale, Camarines Norte habang naaresto naman ang misis nito sa Imus, Cavite sa magkahiwalay na operasyon.

Ayon sa mga awtoridad, ang dalawa ay kabilang sa mga most wanted person sa Bicol Region.

Ang dalawa ay sangkot umano sa kaso ng pagkidnap at pagpatay sa magkapatid na Gilbert at Glen Quinzon sa Daraga, Albay.

Ang mga labi ng dalawang biktima ay kabilang sa mga labi ng anim na tao na hinukay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Libon, Albay noong 2022.

Kung maaalala, si Gilbert Concepcion, ang umano’y pinuno ng Concepcion Criminal Group, ay napatay sa isang armadong engkwentro sa pagsisilbi ng warrant arrest sa Maynila noong Enero 2024.

Si Concepcion ang itinuring na utak sa likod ng iba’t ibang krimen na umano’y ginawa ng grupo, kabilang ang pangingikil at maraming pagpatay.

Naganap ang operasyon sa Maynila sa Barangay San Martin de Porres, Parañaque City sa pagtutulungan ng Police Regional Office 5 (PRO-5) at iba pang law enforcement units.

Iniulat ng PRO-5 na ang operasyon ay nagresulta sa isang armadong engkwentro at nauwi kay Concepcion at sa kanyang mga kasabwat.