Arestado ang isang Pakistani restaurant owner at ang kanyang kababayan dahil sa panghahalay umano sa isang 28-anyos na empleyado ng isang restaurant sa Olongapo City.
Kinilala ng Police Regional Office-3 ang mga suspek na sina Moon, 22, turista, at Elias, 34, restaurant owner.
Sinabi ng biktimang si Sheng na ginahasa siya ng kanyang amo, at alyas Moon alas-8 ng umaga sa Subic Bay Freeport Zone.
Humingi siya ng tulong sa pulisya matapos ang insidente at naaresto ang mga suspek sa isang follow-up operation.
Ayon kay Police Brig. Gen. Jean S. Fajardo, hepe ng Police Regional Office-3,mariin nilang kinokondena ang sekswal na karahasan at binalaan ang mga salarin na nahaharap sila sa buong bigat ng batas.
Nanindigan rin ang PNP sa kanilang buong pamhalo na protektahan ang mga mahihina at maibigay ang hustisya nang mabilis.
Nahaharap na ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law).