Kinumpirma ng Department of Health ang dalawang panibagong kaso ng Mpox o Monkeypox na detect sa bansa partikular sa Metro Manila.
Ito na ang pangalawa at pangatlong kaso ng Mpox sa bansa ngayong kasalukuyang taon habang labing dalawang kaso na ng naturang virus ang naitala sa Pilipinas mula pa noong July 2022.
Ang parehong kaso ay natukoy na variant MPXV Clade II na mas mahinang uri ng Mpox virus.
Ayon sa ahensya , ang mga pasyente ay natukoy na isang 37 year old na lalaki at 32 year old na lalaki mula sa NCR.
Pareho sa mga ito ay nagkaroon ng close at intimate contact bago nakaranas ng mga sintomas ng Mpox.
Kabilang sa mga sintomas ng Mpox ay rashes fever, headache, muscle aches, back pain, at panghihina.
Hinimok rin ni Health Secretary Ted Herbosa na iwasan ang close, intimate at skin to skin contact para hindi mahawa ng sakit.
Ugaliin rin na maghugas palagi ng kamay at kumunsulta sa doktor kung nakararanas ng sintomas.