-- Advertisements --

Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santigao na naghain na sila ng reklamo sa Department of Justice laban sa isang Chinese at dalawang Pilipino dahil sa pagkakasangkot umano nito sa pagiging espionage o pang-e-espiya sa bansa.

Kinilala ng NBI ang dalawang suspect na sina Yuanqing Deng at Pilipinong sina Ronel Jojo Balundo Besa at Jayson Amado Fernandez.

Sa isang press conference ngayong araw ay sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc na naging matagumpay ang pag-aresto sa tulong ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Lotoc, ang Chinese national na kanilang nahuli ay graduate sa unibersidad na pinapatakbo ng People’s Liberation Army.

Ang People’s Liberation Army ay ang military ng Chinese Communist Party at People’s Republic of China.

Bihasa rin ang sinasabing chinese spy sa control engineering habang naaresto ito sa loob ng sasakyan na minamaneho ng dalawang Pilipino.

Batay sa impormasyon ng NBI , mahigit limang taon nang namamalagi sa bansa ang nasabing Chinese Spy at ito ay sleeper agent ng China.

Ayon naman kay AFP chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner, Jr., nabisita na ng grupo nito ang mga lugar kung saan nakatayo ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.