-- Advertisements --

Kabilang ang dalawang Pinay sa mga nasawi sa nangyaring freworks blast sa Hawaii noong New Year’s Eve.

Batay sa mga impormasyong inilabas ng local authorities sa Hawaii, ang pagsabog ay dulot ng paputok na tinukoy bilang ‘cake’ o kumpol ng mga paputok na binubuo ng hanggang 50 aerial rockets.

Batay naman sa report ng Honolulu medical examiner, kinilala ang dalawang nasawing Pinay bilang magkapatid na sina Carmelita Turalva Benigno at Nelly Turalva Ibarra.

Maliban sa magkapatid, sugatan din ang iba pang kaanak ng dalawa, kabilang na ang dalawang anak ni Carmelita, pamangkin, at 3 anyos na apo.

Ilan sa mga ito ay nagtamo ng burns na kasalukuyan pa ring ginagamot.

Maliban sa magkapatid, isang nagngangalang Jennifer Van ang kasama ring nasawi sa pagsabog ng mga paputok.

Sa kasalukuyan ay walang pang inilalabas na statement ang Department of Foreign Affairs ngunit ayon sa Philippine consulate general sa Honolulu, patuloy itong nakikipagugnayan sa Honolulu Police Department upang matutukan ang detalye at kinalabasan ng imbestigasyon, kasama na ang posibleng tulong sa mga nasawi at nasugatang Pilipino.