Nakalabas na sa exclusive economic zone ng Pilipnas ang dalawang dambuhalang mga barko ng China Coast Guard na itinituring na pinakamalaking coast guard ship sa buong mundo.
Ito ang iniulat ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla batay aniya sa kanilang monitoring sa naturang mga barko.
Ngunit gayunpaman ay muling binigyang-diin ni Col. Padilla na magpapatuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga ito.
Kung maaalala, una nang iniulat ni former United States Air Force official at dating Defence Attaché Ray Powell na batay sa kaniyang sariling monitoring ay namataang nagsasagawa ng brief intrusive patrol ang dalawang dambuhalang CCG Vessels malapit sa Bajo de Masinloc shoal.
Bagay na kinumpirma naman ni Philippine Navy Spokesperson for the WPS, Commo. Roy Vincent Trinidad kung saan batay aniya sa kanilang monitoring ay tinatayang aabot sa 50 nautical miles ang mga ito mula sa Panatag Shoal