-- Advertisements --
BALINGON 1 1

Tuluyan nang umalis ang dalawang Pinoy mixed martial art star sa Team Lakay matapos ang dalawang dekada ng pamamalagi.

Sa magkahiwalay na pahayag noong Sabado, sinabi nina Kevin Belingon at Honorio Banario kinumpirma nito ang pag-alis nila sa grupo na naging tahanan nila mula ng itinatag ito noong 2006.

Hindi naman nila nabanggit kung may plano itong lumipat sa ibang koponan.

Ayon kay Balingon, kahit aniya ang mga magagandang bagay ay mayroon  katapusan  ngunit hindi naman daw ito nangangahulugan na ang mga magagandang simula ay hindi darating.

Dagdag pa ni Balingon na nalulungkot siyang iwan ang grupo dahil ito ang kanyang naging tahanan sa loob ng labing anim na taon.

Matapos ang kumpirmasyong ginawa ni Belingon ay naglabas din ng pahayag si Banario at sinabing magsisimula na ang bagong kabanata nito sa mundo ng combat sports.