Muling inaresto ang dalawang Pilipino sa Japan dahil sa pagpatay umano sa mag-asawang Hapones na natagpuang wala ng buhay sa bahay nito.
Una ng inaresto ang dalawang Pilipino, isang lalaki at isang babae, sa kaso naman ng pag-abandona sa mga labi ng mag-asawang Hapones.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, nakikipag-ugnayan na raw ang Philippine Embassy sa mga awtoridad at handa umano silang magbigay ng tulong sa nasasangkot na Pilipino.
Klinaro ni De Vega na ang pag-arestong muli sa dalawa ay nangangahulugan na magkakaroon ng bagong imbestigasyon sa hiwalay o panibagong kaso.
Sa kuha ng isang CCTV, nakita ang dalawa na lumabas sa bahay kung saan natagpuang patay ang mag-asawang Hapones.
Ayon sa ulat ng midya sa Japan, ang Pinay na inaresto ay mayroong utang sa ex-boyfriend nito na anak ng mag-asawang natagpuang patay. Mayroon din daw itong hindi pagkakaintindihan sa mag-asawa.
Base rin sa ulat. itinanggi na rin umano ng dalawang Pinoy na sangkot sila sa pagkamatay ng mag-asawang Hapones.