-- Advertisements --

Matagumpay na naipadeport ng Bureau of Immigration ang dalawang puganteng Japanese national pabalik sa kanilang bansa.

Ang naturang mga pugante ay sangkot sa fraud at money laundering sa Japan.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga ito na sina Ito Shinya, 36 anyos at Kawasaki Hiroyuki, 37 anyos.

Una nang naaresto ang dalawa sa pakikipag coordinate ng Japanese authorities at nakumpirma ang pagkakasangkot nito sa kasong falsification of official documents at financial fraud schemes.

Ang deportation case ng dalawa ay dahil sa bisa ng summary deportation na inaprubahan ng BI Board of Commissioners.

Ibinilang na ang dalawa sa BI’s blacklist at ipinagbawal na ang kanilang pagpasok muli sa Pilipinas.