-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Dalawang Person Under Investigation (PUI) ang bantay sarado ngayon sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa siyudad ng Cotabato.
Ito mismo ang kinumperma ni CRMC Chief of hospital Dra. Helen Yambao.
Sinabi ni Dra Yambao na isa sa mga ay residente ng Barangay Rosary Heights 7 Cotabato City habang ang pangalawa ay taga Brgy Sta Maria Kalamansig Sultan Kudarat.
Ang dalawa ay kapwa nakitaan ng sintomas ng Coronavirus Disease (Covid 19).
Nilinaw ng doktor na hindi pa kompirmadong nahawaan nga ito ng Covid 19 dahil hinihintay pa ang resulta ng kanilang swab test.
Posibling ngayong linggo lalabas ang resulta ng dalawang suspected cases ngunit nakadepende ito sa a bilis ng pagsusuri ng mga doktor ng SPMC.