-- Advertisements --
Nahaharap sa panibagong banta ng pagbaha ang dalawang rehiyon sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-iral ng easterlies.
Kinabibilangan ito ng Region 11(Davao Region) at Region 13(Caraga).
Region 11 – Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental.
Region 13 – Surigao del Sur, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Norte.
Muling pinapa-alalahanan ang mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar na maghanda sa posibleng paglubo ng mga kailugan at mga sapa dahil sa walang-tigil na pag-ulan.
Pinapa-alalahanan din ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya na nakatutok sa disaster mitigation na bantayan ang sitwasyon at agad maglabas ng abiso sa mga residente.