-- Advertisements --

Binigyan ng paunang lunas ang isang babae at isang lalaki sa nakaabang na tent ng Philippine Red Cross (PRC), matapos sumabog ang isang Liquified Petrolium Gas (LPG) sa Paterno street sa Maynila.

Itinakbo ang dalawang biktima sa PRC sa Kartila de Kantipunan sa Maynila para sa paunang lunas, at dinala na sa Philippine General Hospital pagtapos mabigyan ng first aid.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Red Cross Safety Services Head Jaylord Abrigado, minor burn ang natamo ng dalawang biktima, habang bahagyang nasunog ang buhok ng babaeng biktima dahil sa pagsabog.

Kinlaro rin ni Abrigado na walang nadamay sa mga nakikiisa sa Traslacion nang sumabog ang LPG.

Agaran aniyang nasagip ang mga naturang biktima dahil sa mga nakakalat na istasyon ng PRC.

Hindi rin naging hadlang ang prusisyon sa pagsugod sa dalawa sa Kartila de Kantipunan tent dahil sa mga alternatibong ruta na pinlano ng ahensya para sa mga maaaring mangyaring aksidente sa Traslacion.