-- Advertisements --

Ipinagpaliban ni pop megastar Elton John ang dalawa nitong concert sa Dallas matapos na magpositibo ito sa COVID-19.

Sa kaniyang social media account, nagpahayag ng pagkadismaya ang legendary singer dahil sa hindi pagtuloy ng kaniyang concert.

Dagdag pa nito na fully vaccinated na siya at naging mild lamang ang sintomas na kaniyang naramdaman.

Ang nasabing concerts ay bahagi ng kaniyang “Farewell Yellow Brick Road” tour na nakatakda sana sa Enero 25 at 26.

Tiniyak naman nito na kanilang iaanunsiyo sa mga susunod na araw ang bagong petsa ng nasabing concerts sa Dallas.