-- Advertisements --
Desidido si Dallas Mavericks head coach Jason Kidd na hindi na nila hahayaan pa ang Oklahoma City Thunder na maitabla ang serye sa 2-2 sa pagsisimula ng Game 4 ng kanilang Western Conference Semifinals.
Hawak kasi ng Mavericks ang 2-1 na kalamangan sa serye mula ng magwagi sila 105-101 noong Game 3.
Ilan aniya sa ipinagmamalaki ngayon ni Kidd ay ang pagpapagana ng ilang mga bench players niya.
Inihalimbawa nito ang depensang ipinakita ni Dereck Lively II noong Game 3.
Sa panig ng Thunder ay hindi ituturing nila ang Game 4 na must-win na laro dahil walang manlalaro ng mga ito ang may injury.