-- Advertisements --

Magkakaroon ng malaking hamon ngayon ang Dallas Mavericks sa pagharap nila ng Game 5 ng Western Conference Finals laban sa Minnesota Timberwolves.

Ito ay nasa kanila ang pressure matapos na hindi nila naisara o na-sweep sa Game 4 ang Timberwolves.

Bukod pa dito ay hindi lamang lima ang makakaharap ng Mavericks dahil sa homecourt ng Minnesota gaganapin ang Game 5.

Sinabi ni Timberwolves coach Chris Finch na hindi pa rin sila kumpiyansa sa Game 5 dahil sa maliit lamang ang puntos noong magwagi sila ng Game 4 sa score ng 105-100.

Inamin naman ni Dallas star player Luka Doncic na dapat ay higpitan nila ang pagbabantay kay Anthony Edwards at kay Karl Anthony Towns.

Maging si Kyrie Irving ay sinabi nitong nasa kay Towns ang kaniyang respeto dahil sa ipinakita nitong sipag noong Game 4 para magwagi ang Timberwolves.

Umaasa naman ang Dallas na makakapaglaro na sa Game 5 si rookie center Dereck Lively II na hindi gaanong nakapaglaro sa Game 4 sa iniinda nitong injury.