-- Advertisements --

Pasok na sa NBA Finals ang Dallas Mavericks, makaraang tapusin ang Game 5 sa score na 124-103 kontra sa Minnesota Timberwolves.

Kumamada si Luka Doncic ng 36 points, 10 rebounds at five assists para sa Mavs.

Habang nag-ambag din si Kyrie Erving ng 36 points, four rebounds at five assists.

Sa panig naman ng Wolves, nasayang ang tig-28 points nina Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards.

Una rito, maagang nakalamang ang Dallas sa first quarter, habang nagtangka pang humabol ang Minnesota sa second half ng laban ngunit hindi na nito nagawang magiba ang diskarte ng kalaban.

Ito ang first appearance ng Mavs sa NBA Finals mula noong 2011.