Hindi lamang ang Larry O’Brien Trophy na nakukuha ng mga magkakampeon sa NBA Finals ang target ng Dallas Mavericks na makamit sa pagharap nila ng Boston Celtics.
Dahil sa may mga rason ang Mavericks na magiging motibasyon nila para tuluyang makuha ang ikalawang kampeonato ng kopona na unang nakamit noong 2011.
Isa na dito si Dallas coach Jason Kidd kung saan bago naging coach ito ay kabilang siya sa manlalaro na nagdala ng kampeonato ng koponan noong 2011.
Tanging mayroon 14 na katao lamang sa kasaysayan ng NBA ang nagwagi ng kampeonato na naging manlalaro at head coach.
Ito ay kinabibilangan nina Rick Carlisle ng Celtics, , Larry Costello ng Philadelphia 76ers, Billy Cunningham ng Sixers din, Tom Heinsohn ng Celtics, Red Holzman ng New York Knicks , Phil Jackson ng Los Angeles Lakers , Buddy Jeannette ng Cleveland Cavaliers , K.C. Jones ng Celtics, Steve Kerr ng Chicago Bulls, Tyronn Lue ng Orlando Magic, Pat Riley ng Miami Heat, Bill Russell ng Celtics , George Senesky ng Sicers at Bill Sharman ng Celtics.
Sa nasabing mga pangalan ay pito sa kanila ang nagkampeon na naging manlalaro at coach.
Isa rin na guguhit sa kasaysayan ng NBA ay si Mavs star player Luka Doncic.
Ilang puntos lamang kasi ay magiging siya ang 11 manlalaro sa kasaysayan ng NBA na may score na 3,000 sa isang season kabilang ang playoffs.
Sa pagpasok nito sa Finals ay mayroon na itong 2,859 points kung kayat kailangan niya ng 141 points para mabuo ang 3,000.
Muntika naman na makamit ni LeBron James ang nasabing leagues career scoring leader na 3,000 -point club noong 2017-2018 ng magtapos ito ng 2,999 points.
Bukod sa NBA title, Larry O’Brien Trophy, mga championship rings ay makakatanggap ang koponan na magkakampeon ng $4,856,937 na bonus o katumbas ng mahigit P240-M.
Ang mga 16 koponan na nakapasok noong Playoffs ay paghahatian ang $33,657,947 o katumbas ng P1.6 bilyon.