-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan si Dallas Mavericks assistant coach Darrell Armstrong.
Ayon sa Dallas Police Department, na mahaharap ito sa kasong aggravated asault with deadly weapon.
Ang 56-anyos na si Armstrong ay inakusahan na nananakit ng isang indibidwal gamit ang baril at binantaan pa ito na kaniyang babarilin ang isang babae na kaniyang nobya.
Naging assistant coach siya mula pa noong 2009 kung saan naging manlalaro siya mula 1994 hanggang 2008 sa mga koponan ng Orlando Magic, New Orlean Hornets, Indiana Pacers, New Jersey Nets at Mavs.
Sinuspendi naman ng Mavericks si Armstrong kung saan nagsasagawa na rin sila ng imbestigasyon.