Ginulat ng Dallas Mavericks ang Utah Jazz nang masilat sa score na 110-104.
Dahil dito tabla na ang serye sa tig-isang panalo sa first round ng NBA playoffs.
Pinahiya pa ng Mavs ang Utah dahil wala ang kanilang All-Star na si Luka Doncic na nagpapagaling pa sa injury.
Nagpaulan ang Mavs ng playoff record na 22 mga 3-pointers.
Bumida sa panalo ng Dallas si Jalen Brunson na kumamada ng career-high na 41 points.
Habang malaking ambag din ang ginawa ni Maxi Kleber na nagtapos sa 25 points kung saan nagpasok siya ng walong 3-pointers.
Si Brunson ang nagsilbing starting point guard kapalit ni Doncic.
Samantala sa panig ng Jazz si Donovan Mitchell ay may 34 points, habang nagpakita si Bojan Bogdanovic ng 25 at si Jordan Clarkson may 21 puntos.
Ang Game 3 ay gagawin sa teritoryo ng Utah sa Biyernes.