-- Advertisements --

Nakatakdang turukan muna ng painkiller si Dallas Mavericks superstar Luka Doncic bago ang pagsisimula ng Game3 dahil sa chest injury o pananakit ng kanyang dibdib na una niyang naranasan kasunod ng pagkatalo noong Game 1 sa Boston.

Ininda ni Luka ang naturang sakit pagpasok ng Game 2 na siyang naging dahilan kung bakit mistulang nahihirapan siya, lalo na sa paghinga, noong huling quarter ng laro.

Naniniwala naman ang Dallas management na hindi maaapektuhan ang kanyang performance sa kabila ng tatanggapin niyang injection.

Maalala, sa kabila ng pananakit ng kanyang dibdib ay nagawa pa rin ni Luka na magbuhos ng triple-double performance sa nakalipas na game 2, 32 – 11 – 11.

Siya ang nagsisilbing pangunahing opensa at depensa ng Mavs, dahil sa mistulang pag-alat ng kanyang mga kasamahan sa nakalipas na dalawang magkasunod na laro.

Una nang sinabi ng Dallas superstar na kailangan nilang gumawa ng mas impresibong laro sa mga susunod na game, dahil sa mistulang hindi umubra ang mga gameplan laban sa defensive specialist na Boston.

Gaganapin naman bukas, June 13, ang Game 3 ng NBA Finals sa homecourt ng Dallas.