-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang clearing operations at damage assessment ng Tacurong City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa mga pamamahay at daanan sa pananalasa ng malakas na hangin at ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Tacurong CDRRM Officer Rodrigo Jamorabon, apektado ng nasabing kalamidad ang Barangay Griño at EJC Montilla.

Sa pahayag ni Jamorabon, mistulang ipo-ipo umano ang malakas na hangin na kanilang naranasan.

Hinarang dn ng malalaking mga punongkahoy ang national highway na agarang inasikaso ng lokal na pamahalaan.

Maliban dito, nirespondehan din ang isang bahay na natamaan ng isang puno sa Barangay Griño.

Sa ngayon unti-unti ng bumabalik sa normal ang sitwasyon sa mga apektadong mga residente makaraan ang pananalasa ng nasabing kalamidad.