-- Advertisements --
(UPDATE) GENERAL SANTOS CITY -Nagpapatuloy ang damage assessment ng Local Government Unit ng Alabel Sarangani Province sa mga agricultural crops kasunod ng paghagupit ng buhawi.
Nabatid na nasa mahigit dalawampu ang kabahayan na nasira at marami ring mga puno ng niyog ang pinatumba ng napakalakas na hangin na tumama sa Barangay Tokawal at Barangay Domolok.
Sa panayam ng Bombo Radyo Gensan, sinabi ni Mayor Vic Paul Salarda na maraming magsasaka ang apektado matapos na nasira ang kanilang mga pananim.
Nakatanggap na ng initial na tulong ang mga pamilyang apektado at tiniyak rin sa mga ito ang cash assistance para muling makapagsimula.
Mabuti na lang na walang casualty sa nangyari maliban sa dalawang katao na nasugatan.