-- Advertisements --

council meeting

Sinimulan na ngayong araw ang delivery ng mga relief goods sa Catanduanes at maging sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Rolly.


Ayon kay NDRRMC Eexcutive Director USec Ricardo Jalad, bukod sa distribusyon ng mga relief goods, nagdeloy na rin sila ng isang team ng Rapid,Damage and Needs Assessment na sa Catanduanes para magsagawa ng damage assessment.

Kaninang umaga sa umalis dito Metro Manila ang emergency telecommunitions team mula sa Office of the civil defense sakay sa isang PCG Islander aircraft.

Sa pagtaya ng NDRRMC nasa 90 percent ang damage sa infrastructure at maging sa agrikultura.
Sa ngayon hinihintay, na lamang ng ahensiya ang report na isusumite ng Da

mage and Needs Assessment para mabatid ang halaga ng pinsala sa agrikultura at infrastraktura.

Ayon kay Jalad nasa mahigit dalawang milyong katao o nasa 372,653 families ang apektado ng bagyong Rolly.

10 dito ang nasawi habang isa ang sugatan at may naiulat na missing.

Nakapagtala din ang NDRRMC ng pitong road sections at 4 na tulay ang naapektuhan sa region 2,3,5 at CAR.

Nasa 1,160 pasahero, 670 rolling cargoes, 3 barko at 7 motorbancas ang stranded sa calabarzon, Mimaropa at region 5.

Nasa 5,404 na mga eskwelahan naman ang ginamit bilang evacuation centers sa regions 1,2,3,4a,4b,5,8 at NCR.