Magiging triple ang halaga ng pinsala sa seeweed industry sa lalawigan ng Antique kung hindi pa magpapalabas ng go signal ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources VI na maaari na itong i-harvest ng seaweed farmers.
Ito ay kasunod pa rin ng nangyaring oil spill sa Naujan,Oriental Mindoro noong Pebrero na umabot rin sa Caluya, Antique.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Antique Governor Rhodora Cadiao, sinabi nito na kung wala pang clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources VI na maaaring i-harvest na ang seaweeds, posibleng hahayaan na lang itong mabulok.
Dahil dito, posible magiging triple na ang P20 million na ang una nang ipinalabas na estimated damage sa seaweed industry sa lalawigan.
Sa ngayon ayon kay Cadiao, inabisuhan ang seaweed growers na gumawa ng oil spill boom upang magamit ng probinsya kung may pangalawang wave pa ang oil spill na mula pa rin sa lumubog ng motor tanker Princess Empress.
Una nang na-lift ng local government ng Caluya, Antique ang fishing ban sa naturang lugar na apektado ng oil slick.