Umalis na mula sa Bajo de Masinloc ang dambuhalang barko ng China na tinatawag na Monster China coast guard vessel 5901.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela.
Aniya, karaniwang dinideploy lamang ng China ang monster vessel kapag nagkakaroon ng joint military exercises sa pagitan ng PH at Amerika.
May mga pagkakataon din aniya na pinapadala ang naturang dambuhalang barko ng China para manakot sa PH. Ang unang insidente ay noong 2022 nang magsagawa ng military exercise ang PH kasama ng US coast guard. Ito ay para sikaping pigilan ang anumang civilian convoy sa pagtungo sa anumang parte ng WPS.
Base din sa monitoring ng ahensiya, tanging nasa 2 na lamang na Chinese Coast Guard vessels at 19 na maritime militia vessels ang namataan sa naturang bahagi ng WPS.
Samantala, una ng naghain ng note verbale ang Department of Foreign Affairs para iprotesta ang unilateral fishing ban ng China sa WPS kung saan mayroong soberaniya, hurisdiksiyon at sovereign rights ang ating bansa.