-- Advertisements --

Matagumpay na muling naipalutang ang Evergreen container ship matapos ma-stranded ng halos isang linggo sa Suez Canal.

Ayon sa pinuno ng Suez Canal Authority (SCA) na si Osama Rabie, napalutang nila ang barko kasunod ng ginawa nilang “around-the-clock international effort” upang i-dislodge ang napakalaking vessels at muling buksan ang global shipping lane.

Nagsimulang lumutang ang container ship makaraang tumugon sa pulling maneuvers.

Aniya, pinagsisikapan nila na dalhin sa Bitter Lakes ang nasabing container ship.

Ikinatuwa naman ng mga tao sa Suez Canal ang nangyaring development lalo na at malaking na ang epekto nito sa pinaka-busy na shipping lanes sa buong mundo. (with report from Bombo Jane Buna)