Itinuturing ng mga eksperto na ang thigh bone na nadiskubre sa southwestern France ay kabilang sa biggest animal na nabuhay sa mundo.
Ayon sa mga paleontologits ang femur bone ay mahigit sa anim na talampakan ang haba na posibleng mula sa sauropod.
Isa itong uri ng four-legged dinosaurs mula sa subgroup na herbivorous at long necked na mula pa umano sa Jurassic era.
Iniulat ng Le Parisien na ang dambuhalang buto ay narekober sa tinatawag na Angeac-Charente excavation site kung saan noong taong 2010 ang mga paleontologists ay nakahukay din ng isa pang femur na mahigit sa anim na talampakan ang haba.
“This femur is huge! And in an exceptional state of conservation. It’s very moving,” ani Jean-François Tournepiche, ang curator ng Museum of Angouleme sa kuwento sa Le Parisien.
Mula noon nakabuo na ang mga scientists ng kalahating bahagi ng katawan mula sa mga buto ng sauropod.