Tuluyan nang idineklarang insurgency free ang bayan ng Damulog sa sa lalawigan Bukidnon matapos ang isinagawang seremonya noong August 13,2024.
Dahil dito, malaya na ang naturang bayan mula sa impluwensya ng mga teroristang komunista.
Ang Damulog ay ikatlong bayan sa lalawigan ng Bukidnon kasunod ng bayan ng San Fernando at Kadingilan.
Sa isang pahayag ,sinabi ni Brigadier General Marion T. Angcao, Commander ng 1003rd Infantry (Raptor) Brigade, ang naturang okasyon ay patunay lamang ng magandang koordinasyon sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan, mga LGU official at mga mamamayan.
Ito ay para na rin sa kapayapaan at progreso ng naturang lalawigan.
Nag-paabot naman ng pagbati si Major General Allan D. Hambala, Commander ng 10th Infantry (Agila) Division sa mga tropa ng 48th Infantry (Guardians) Battalion.
Kinilala nito ang pagsisikap ng mga tropa ng pamahalaan para mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa mga komunidad.