-- Advertisements --
Nasa P129.76 million ang kabuuang damyos sa pagdaan ng bagyong Vicky.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) apektado dito ang 16,761 na magsasaka at 21,008 na hektarya ng agricultural areas.
Umaabot sa 1,202 metric tons ang apektadong pananim mula sa Cagayan Valley, Davao at Caraga regions.
Dahil dito ay nagpaabot na ng tulong ang DA sa mga naapektuhang mangingisda sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan as mga bayan na sumasakop sa mga ito.
Ilan sa mga dito ay ang pagbibigay ng mga fingerlings at fisheries paraphernalia mula sa BFAR at mga seedlings sa mga naapektuhang magsasaka.