-- Advertisements --
Pumalo na sa P8.4 bilyon ang naitalang damyos sa agrikultura matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon sa Department of Agriculture na mayroong 125,161 na mga magsasaka at mangingisda ang nawalang ng pagkakakitaan.
Umaabot kasi sa 175,720 metrikong tonelada ang production loss at 347,072 hektarya ng agrikultura ang apektado .
Maging ang mga pananim gaya ng mais, palay, high value crops, niyog, tubo, livestock at fisheries ang naapektuhan.
Maglalaan din ang DA ng P2.9 bilyon na tulong sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng nasabing bagyo.