-- Advertisements --

Lumubo na sa P9.89 bilyon ang naitalang agricultural damages sa El Niño.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) na sinasakupan ito ng 170,469 hektarya ang at apektado ang 173,455 na mga mangingisda at magsasaka mula sa 12 rehiyon.

Mayroon ding 441,801 metric tons ang naitalang laki ng productiong loss.

Sa nasabing bilang ay 43 percent dito ay bigas na sinundan ng mais.

Sa fisheries sectors naman ay aabot sa P57.72 milyon na sinasakupan ng 2,686 na hektarya at production loss ng 11,334 Metric Tons at ang livestock at poultry ay aabot sa P10.47 milyon.

Nagpamigay naman ang DA ng financial assistance sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda na aabot sa P8.59-B.