-- Advertisements --
Inaayos na ni UFC president Dana White ang pagbabalik sa laban ni dating UFC featherwieght at lightweight world champion Conor McGregor.
Sinabi nito na posibleng sa first quarater ng 2021 ay magkakaroon na ito ng makakalaban.
Itinanggi rin ni White ang posibilidad na paglaban ni McGregor kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Hindi naman binanggit ng UFC president kung sa octagon o sa boxing ring ang susunod na laban ni McGregor.
Huling lumaban kasi ang Irish fighter ay noong Enero ng talunin niya si Donald Cerrone sa pamamagitan ng technical knockout sa unang round.