-- Advertisements --
FILIMETER CREW
Filimeter crew

BUTUAN CITY – Malaking karangalan ang bitbit ng Butuanon dance group na Filimeter Crew matapos nilang makamit ang ikatlong pwesto sa UDO Asia Pacific International Dance Championship 2019 na isinagawa sa Manila.

Ayon sa lider ng grupo na si Jobert Te Rentor, 22-anyos, sila ang kumatawan sa lungsod ng Butuan at buong Pilipinas sa hip hop dance competition kung saan 10 mga bansa ang kanilang nakalaban na kinabibilangan ng Japan, China, United Arab Emirates, Russia, India, Malaysia, Thailand, Singapore at Vietnam.

Dahil sa pagtapos nila bilang 3rd placer ay nabigyan sila ng trophy, at may lima pang mga bronze medals.

Kaugnay nito’y naghahanda na sila matapos mag-qualify sa Winter Gardens Blackpool na gagawin sa United Kingdom ngayong Agosto 20 hanggang 23 sa susunod na taon.

Nabuo ang kanilang grupo noong taong 2012 na kinabibilangan ng kanyang mga kaibigan na ngayo’y may mga trabaho na kung kaya’t lima lang sila na sumali sa naturang sa sayaw.