-- Advertisements --

Nagkasundo na umano ang Golden State at Brooklyn Nets sa isa ring sign-and-trade deal upang ipadala sa Warriors si point guard D’Angelo Russell, at si Andre Iguodala sa Memphis Grizzlies.

Ayon sa mga sources, inaasahan umanong lalagda ng apat na taong maximum deal si Russell sa Warriors, na pumapatak ng $117-milyon o mahigit P5-bilyon.

Hindi na raw kasi nababagay pa ang 23-year-old sa Nets matapos ang kasunduan ng team kay Kyrie Irving, na pipirma na rin daw ng kontrata sa Brooklyn na nagkakahalagang $141 million o mahigit P7-bilyon.

Samantala, bilang bahagi ng pag-trade ng Warriors kay Iguodala, isasama na rin daw nila ang pinangangalagaan nilang first-round pick sa Memphis.

Inalalayan si Russell ang Brooklyn patungo sa kanilang 42 panalo na nagbigay-daan din upang pangalanan itong All-Star sa unang pagkakataon.

Naglista ng career average na 16.5 points at 5.1 rebounds kada laro si Russell, na malaking tulong upang makapasok ang Nets sa playoffs sa unang pagkakataon mula noong 2015.

Una nang sinabi ni Russell na nais nitong manatili sa Brooklyn, ngunit matapos na malaglag sa first round ng playoffs ang Nets, inihayag nito na wala na raw sa kanyang kontrol ang mga maaaring mangyari sa offseason.

“I definitely want to be here,” ani Russell. “But I also know it’s a business, too. So I’m not going to play that role like I don’t know what could possibly happen.”