Dismayado si Dangerous Drugs Board Chair Representative Robert Ace Barbers sa magkakaibang pahayag ng Philippine National Police officials sa isinasagawang pagdinig ngayon patungkol sa kontrobersyal na biggest drug haul sa pambansang pulisya na may halagang P6.7 billion.
Aniya, tila raw ba naglolokohan lamang ang mambabatas at ilang sangkot na kapulisan sa isinasagawang imbestigasyon dahil nagsasalungatan ang salaysay patungkol sa mismong nangyaring drug bust.
Nang tanungin ni Representative Barbers si Police Captain Jonathan Sosongco, head of Philippine National Police Drug Enforcement Group, Special Operations Unit Region 4A ay iba ang naging pahayag nito kumpara sa sinabi ni Col. Julian Olonan.
Samantala, nang tanungin naman sina dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. at ang nahuling si Ney Atadero ay wala itong ibinigay na sapat na impormasyon.
Binigyan linaw at pinaalala ng mambabatas na ang main focus umano ng pagdinig ay ang pagka aresto kay Mayo at ang umano’y cover-up nitong drug haul.
Dahil raw sa inconsistent ng mga pahayag, dito ay makikita kung talaga bang mayroong cover-up.
Kung maaalala umano, nakita sa mismong video footage na mayroong ikinargang shabu sa puting kotse ng mga opisyal.