Ibinahagi sa Bombo Radyo ng dalawang cook kung anong inihanda nilang pagkain kay Manny Pacquiao upang makabawi sa lakas nito matapos ginanap ang official weigh-in sa Las Vegas.
Sa exclusive interview sa pamamagitan ng Bombo international correspondent Dr. John Melo sa mga tinaguriang “Pido” at “Waray,” sinabi ng dalawang cook kinailangan umanong maganang kumain ng fighting senator.
Kaya naman pinaghanda nila ito ng baka na bulalo para may sabaw, chicken keebab, danggit, beef keebab, kanina at iba pa.
Kwento pa ng mga ito, hindi naman daw nagdedyeta si Pacquiao ng kain dahil na rin sa mabilis mag-burn ng fat bunsod ng matindi nitong mga workouts.
Sinabi naman ni “Waray” kung tutuusin tuwing dalawang oras ay kumakain daw si Pacman.
Kaugnay naman sa laban bukas, hindi na umano masyadong kakain pa si Manny upang maging magaan na sa pag-akyat sa lona.
Kung maalala una nang tumimbang si Pacquiao sa 146 pounds sa official weigh-in.